206 PNPA CADETS NAGTAPOS; VALEDICTORIAN MULA SA ORIENTAL MINDORO
UMABOT sa 206 kadete ng Philippine National Police Academy (PNPA) o miyembro ng SinagLawin Class of 2025 ang nagtapos kahapon sa Silang, Cavite.
Ang graduation rites ay pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nagbigay ng payo sa mga ito sakaling ma-deploy sa PNP, Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at Bureau of Fire Protection (BFP), at mahigpit na bilin na isapuso ang sinumpaang tungkulin na depensahan ang Konstitusyon at protektahan ang bawat Pilipino.
Kumpiyansa ang Pangulong Marcos sa kakayahan ng PNP na linisin, pagtibayin, at papatagin ang propesyunalismo sa kanilang hanay
Sa 206 na nagsipagtapos, itinanghal na class valedictorian si Police Cadette Marc Joseph Vitto na taga-Oriental Mindoro.
Ginawaran si Cadette Vitto ng Presidential Campilan Award at Journalism Kampilan Award habang nakuha rin niya ang Best in Forensic Science at Best in General Education.
Ang babaeng kadete naman na si Kristine Acidre, tubong Leyte, ang pumangalawa sa klase.
Nakatanggap siya ng Plaque of Merit at Vice Presidential Kampilan.
Si Cadette Jay Cheever Rocaberte mula Negos Oriental naman ang Top 3 ng klase na ginawaran ng Department of thr Interior and Local Government Kampilan Award.
Sa mga kadeteng pasok sa Top 10 graduates ng SinagLawin Class of 2025, anim sa mga ito ay mga kababaihan at nakatanggap ang Top 10 ng Plaque of Merit.