Overtime

PVL: CREAMLINE LALAPIT SA SWEEP

Standings W L Creamline 9 0 PetroGazz 8 1 Cignal 7 3 Choco Mucho 7 3 PLDT 6 3 Akari 5 5 Chery Tiggo 5 5 ZUS Coffee 4 6 Farm Fresh 4 6 Galeries Tower 1 8 Nxled 1 9 Capital1 1 9 Mga laro ngayon: (Ynares Center) 4 p.m. – Galeries Tower vs PetroGazz 6:30 p.m. – PLDT vs Creamline

15 February 2025

NASA bingit ng pagkumpleto sa preliminary round sweep, ang Creamline ay nahaharap sa pinakamalaking pagsubok sa pagharap sa well-rested PLDT habang sisikapin ng PetroGazz na mapatatag ang kanilang No. 2 ranking sa Premier Volleyball League All-Filipino Conference ngayong Sabado sa Ynares Center sa Antipolo City.

Ang 6:30 p.m. clash sa High Speed Hitters ang tunay na pagsubok para sa  Cool Smashers, na inaasahang itataas pa ang lebel ng kanilang paglalaro upang mapanatili ang perfect run.

Pipilitin naman ng Angels na maipagpatuloy ang kanilang pagiging agresibo sa  4 p.m. duel sa Galeries Tower.

Ang Creamline ay nananatili sa ibabaw ng standings na may 9-0 record, kasunod ang PetroGazz na may 8-1 at nasa seven-match winning streak.

Ang  PLDT ay may 6-3kartada at target na maipuwesa ang three-way tie sa Cignal at  Choco Mucho sa 7-3 at ang mas mahalaga ay manatili sa  top five upang makaharap ang lower-ranked opponent sa qualification round.

Bagama’t inaasahang mananaig ang Cool Smashers kontra struggling Highrisers sa kanilang final prelims match sa Feb. 20, batid ni coach Sherwin Meneses na gagawin ng High Speed Hitters ang lahat upang putulin ang kanilang run.

Sina PLDT top scorer Savi Davison, nagbuhos ng 26 points laban sa Farm Fresh noong Feb. 4, at libero Kath Arado ang magiging pangunahing alalahanin ng Creamline sa marquee showdown.

Subalit hanggang patuloy na magiging maganda ang pag-distribute ng play ni setter Kyle Negrito kina spikers Jema Galanza, Bernadeth Pons, Tots Carlos, Michele Gumabao at Alyssa Valdez, gayundin kina middles Bea de Leon at  Pangs Panaga, walang magiging problema sa Cool Smashers.

Target ng Creamline at PetroGazz na magtapos sa top two upang makaharap ang bottom squads sa susunod na round, kung saan nakataya ang anim na outright quarterfinals berths.

“The usual way we respond to high-pressure games because some of our losses happened at that level, so hopefully, we can apply that against any opponent. I guess it’s really just about trust and their belief that the team can do it,” sabi ni High Speed Hitters coach Rald Ricafort, sa susi para talunin ang defending champions.

Umaasa ang Cool Smashers na may natutunan sa kanilang 25-15, 25-19, 27-25 victory kontra Foxies noong nakaraang Martes kung saan naharap sila sa matinding hamon sa third set bago nanguna si Galanza sa stretch.

“This game against Farm Fresh was not good because we should have finished it convincingly, but at least we saw that when it gets close, we can still close it out. So hopefully, we can do the same against PLDT,” sabi ni Galanza.

Sa pangunguna ng 1-2 punch nina Brooke Van Sickle at Myla Pablo, ang Angels ay determinadong ipagpatuloy ang kanilang winning ways.