MGA OPISYAL NG FINLAND NAG-IKOT SA PH UNIVERSITIES PARA MAG-ALOK NG TRABAHO
NAGSIMULA nang mag-ikot sa mga eskuwelahan sa Pilipinas ang mga opisyal mula sa Finland para hikayatin ang mga mag-aaral na magtrabaho sa kanilang bansa.
Simula ngayong 2025, kukuha ang Finland ng 2,000 skilled workers at gagawin nila ito taon-taon.
Unang binista ng mga opisyal ng Finland, sa pangunguna ni Minister of Economic Affairs And Employment Arto Satone, ang University of Perpetual Help and Medical Center sa Las Piñas.
Kasama rin sa bumisita sa nasabing unibersidad sina Finland Ambassador to the Philippines Saija Nurminen at Helsinki Mayor Juhana Vastiainen,
Sinabi ni Johana Jakalla, executive director for promotion ng Finland, aabot sa mahigit limang milyon ang kanilang populasyon kaya kinakailangan nila ng mga dagdag na manggagawa
Bukas naman ang kanilang alok sa lahat ng Pinoy na nakapagtapos at may experience kasama na ang kanilang pamilya.
Kinokonsidera rin ng Finland na magkaroon ng exchange program, hindi lang sa UPHMC kundi pati sa iba pang eskuwelahan sa Pilipinas.