116K STUDES HANGAD MAKAPASOK SA PUP
AABOT sa 116,000 estudyante ang nag-aplay para sa PUPCET o Polytechnic University of the Philippines College Entrance Test subalit nasa 45,000 lamang ang makakakuha ng pagsusulit.
Kahapon, Enero 12, ay maagang pumila sa PUP Oval ang mga nais mag-aral sa nasabing state university. Nasa 20,000 aspirants ang unang batch na makakakuha ng admission test.
Ang state university na may 20 campus kasama ang main branch sa Sta. Mesa, Manila ay itinayo noon pang 1904.
Ito ang pinakamalaking state university sa Pilipinas batay sa student population na may 83,000 estudyante.
Dati itong Manila Business School, naging Philippine School of Commerce at Philippine College of Commerce at mula 1978 ay naging PUP na.