3-DAY MARKSMANSHIP AND PROFICIENCY TRAINING ISINAGAWA NG PRO3
SA PANGUNGUNA ni Police Regional Office 3 Director PBrig. Gen. Redrici A. Maranan, matagumpay na isinagawa ang tatlong araw na Marksmanship and Proficiency Training mula Disyembre 5 hanggang 7, 2024 sa Bacolor Practical Shooting Range, Bacolor, Pampanga.
Layunin ng pagsasanay na ito na hasain ang kakayahan ng mga pulis sa wastong paggamit ng baril at linangin ang kanilang shooting skills, disiplina, at camaraderie.
Lumahok dito ang mga tauhan ng PRO3, mga civilian gun enthusiasts, at iba’t ibang stakeholders na layong mapalakas ang pagkakaisa at pakikiisa sa pagpapalaganap ng ligtas at responsableng paggamit ng baril.
Binigyang-diin ni Maranan ang kahalagahan ng ganitong mga aktibidad upang masiguro ang kahandaan ng kapulisan sa pagtupad ng kanilang tungkulin, kasabay ng pagpapalawak ng kaalaman ng iba pang miyembro ng komunidad sa tamang paggamit ng armas.
Ayon sa kanya, “Hindi lamang ito isang pagsasanay sa teknikal na aspeto ng shooting; ito rin ay isang paraan upang paigtingin ang disiplina at tiwala sa isa’t isa, na siyang pundasyon ng isang maayos at ligtas na lipunan.”
Ang Marksmanship and Proficiency Training ay bahagi ng mga inisyatibong sumusuporta sa Makabagong Pulis sa Makabagong Panahon, na layuning gawing mas epektibo, disiplinado, at makatao ang bawat miyembro ng kapulisan sa pagtupad sa kanilang sinumpaang tungkulin.