MAPUA LUMAPIT SA NCAA CROWN
HINDI mapigilan si reigning MVP Clint Escamis at sinandigan ang Mapua University sa 84-73 panalo laban sa De La Salle-College of Saint Benilde sa Game 1 ng NCAA men’s basketball tournament kahapon sa Smart Araneta Coliseum.
Laro sa Disyembre 7:
(Araneta Coliseum)
2:30 p.m. – Mapua vs Benilde (Game 2)
HINDI mapigilan si reigning MVP Clint Escamis at sinandigan ang Mapua University sa 84-73 panalo laban sa De La Salle-College of Saint Benilde sa Game 1 ng NCAA men’s basketball tournament kahapon sa Smart Araneta Coliseum.
Kailangan na lamang manalo ng Cardinals sa Game 2 sa susunod na Sabado upang wakasan ang 33-year title drought.
Nagbuhos si Escamis ng 30 points sa 11-out-of-15 two-point field goal shooting, na sinamahan ng 4 assists, at 5 steals.
“It’s a good feeling to win, but just like what Kobe (Bryant) said, job is not finished,” wika ni Escamis.
Ito ang unang pagkakataon magmula noong pandemya na ang isang player ay umiskor ng 30 points sa isang finals match.
Nagdagdag si JC Recto ng 15 points, habang nagposte sina John Jabonete at Lawrence Mangubat ng tig-8 points para sa Cardinals.
Galing sa pagkatalo at nagkasya sa runner-up sa Season 99 laban sa San Beda University, sinabi ni Escamis na sa pagkakataong ito ay mas matured na siya.
“I shut down the outside noise. I zoned out, and I kept my focus,” aniya.
“The team today is more involved, and everything is from the system of coach Randy (Alcantara).”
Nanguna para sabBenilde si Allen Liwag na may double-double na 16 points atb13 rebounds, habang nag-ambag si Gab Cometa ng 11 points.