PLDT SOLO LEADER SA PVL
KUMARERA ang PLDT sa ikatlong sunod na panalo sa Premier Volleyball League All-Filipino Conference preliminaries makaraang walisin ang Capital1, 25-17, 25-20, 25-17, kahapon sa Philsports Arena sa Pasig.
Mga laro bukas:
(Philsports Arena)
4 p.m. – ZUS Coffee vs Galeries Tower
6:30 p.m. – Choco Mucho vs Cignal
KUMARERA ang PLDT sa ikatlong sunod na panalo sa Premier Volleyball League All-Filipino Conference preliminaries makaraang walisin ang Capital1, 25-17, 25-20, 25-17, kahapon sa Philsports Arena sa Pasig.
Ipinamalas ng High Speed Hitters ang kanilang matinding power game, na hindi nagawang tapatan ng youthful Solar Spikers. Bukod sa kanilang offensive firepower, ang PLDT ay nagpakita rin ng defensive mastery, ibinasura ang ilang pagtatangka ng Solar Spikers, na hinahanap pa rin ang kanilang rhythm bilang isang koponan.
Mula sa spikes (48-31) hanggang blocks (11-1) ay dinomina ng PLDT ang laro. Gayunman, sa kabila ng kanilang kawalan ng karanasan, ang Solar Spikers ay may positibong aspeto — mas kaunti ang kanilang unforced errors, gumawa lamang ng 14 kumpara sa 18 ng PLDT.
Sa kabila ng isa pang dominant performance, binigyang-diin ni libero Kath Arado ang pangangailangan na hasain ng koponan ang kanilang reception, lalo na sa mga parating na mabibigat na kalaban.
“Kasi nga ang mga next games namin ay mga teams na malalakas mag-serve,” sabi ni Arado. “We need consistency (in reception). Kasi madali na lang umatake pag maganda ang reception.”
Ang Solar Spikers ay umiskor ng apat na aces laban sa dalawa ng High Speed Hitters.
Ipinamalas ni Arado ang kanyang defensive brilliance upang kunin ang top honors na may 14excellent digs at 7 receptions, pinangunahan ang backline ng PLDT kontra Solar Spikers.
Sa opensa ay namuno si Savi Davison sa atake ng PLDT na may game-high 17 points, habang nag-ambag sina Fiola Ceballos at Dell Palomata ng 11 at nine markers, ayon sa pagkakasunod.
Kuminang din si Ceballos sa depensa, tumapos na may 16 digs.
Nagdagdag si Davison ng 7 excellent receptions.
Nalasap ng Solar Spikers ang ikatlong sunod na kabiguan. Nanguna si Heather Guino-o para sa koponan na may 10 points, subalit wala nang iba pang player na nagtala ng double figures kung saan nagkasya si Lourdes Clemente-De Guzman sa 5 points, at gumawa lamang sina Sydney Niegos, Jorelle Singh, Iris Tolenada, at Patty Orendain ng tig-4 points.