CHED, DEPED, TESDA KATUWANG NG WHO-PH SA KAMPANYA SA MALINIS NA KAPALIGIRAN
KATUWANG ng World Health Organization Philippines ang Department of Education, Commission on Higher Education, Technical Education and Skills Development Authority, Department of Health, at Department of Social Welfare and Development sa pagpapalaganap ng kaalaman hinggil sa malinis na kapaligiran at sa magiging peligro ng maruming hangin.
Sa paggunita ng National Environment Awareness Month ngayong Nobyembre, nakatuon ang tema sa paghahanapbuhay at estado ng manggagawa sa working place o environmental and occupational health.
Sa isang panayam kay Engr. Bonifacio Magtibay, ng Technical Center – Environmental and Occupational Health ng WHO-Philippines, binigyang-diin niya ang kahalagahan ng malinis na paligid.
Kinikilala rin niya ang Republic Act 9512 dahil ito ang batas para maging katuwang nila ang DepEd, CHED, TESDA, DOH at DSWD upang lumawak ang kaalaman para proteksiyonan ang kapaligiran at sa kahalagahan ng malinis na paligid sa kalusugan ng sangkatauhan.
Sinabi ni Magtibay na una ay dapat maging malinis ang hangin upang hindi maapektuhan ang kalusugan.
Ang sakit mula sa malinis na paligid ay nagbubulid din, aniya, sa kamatayan.