Overtime

UAAP: TAMARAWS SIBAK NA SA FINAL FOUR CONTENTION

TINAPOS ng University of the Philippines ang two-game losing streak, gayundin ang Final Four Far aspirations ng Far Eastern University sa 86-78 panalo sa UAAP men’s basketball tournament kahapon sa Filoil EcoOil Centre.

17 November 2024

Mga laro sa Miyerkoles:
(Filoil EcoOil Centre)
8 a.m. – UPIS vs UE (JHS)
10 a.m. – FEU-D vs NUNS (JHS)
12 noon – DLSZ vs Ateneo (JHS)
2 p.m. – UST vs AdU (JHS)
5:30 p.m. – UP vs UE (Men)

TINAPOS ng University of the Philippines ang two-game losing streak, gayundin ang Final Four Far aspirations ng Far Eastern University sa 86-78 panalo sa UAAP men’s basketball tournament kahapon sa Filoil EcoOil Centre.

Isa itong confidence booster para sa Fighting Maroons, na nakuha na ang No. 2 ranking sa Final Four na may twice-to-beat advantage.

Determinadong makabawi mula sa pagkatalo sa defending champion La Salle at National University, ang UP ay naglaro tulad ng isang Final Four-bound team upang umangat sa 10-3 record.

Wala nang mawawala kundi nais lamang makabawi, masaya si coach Goldwin Monteverde sa pagtugon ng Fighting Maroons sa kanilang warm-up sa Final Four.

“Everytime naman na may game na ganito and we had to battle it out in the end makes you proud as a coach. Especially coming from dalawang talo, seeing the heart of the players was great,” sabi ni Monteverde.

Target ng UP na matikas na tapusin ang eliminations kontra University of the East sa Miyerkoles sa San Juan arena. Sa wakas ay maghaharap ang dalawang koponan matapos makansela ang kanilang unang dalawang scheduled duels noong nakaraang buwan dahil sa magkaibang pangyayari.

Samantala, hindi nakapasok ang Tamaraws sa Final Four sa ikatlong sunod na season makaraang tapusin ang kanilang unang taon sa ilalim ni coach Sean Chambers na may 5-9 kartada, isang two-win improvement mula sa 3-11 campaign noong nakaraang season.

Ang Tamaraws ay may impresibong 4-3 second round, isang magandang palatandaan na muli silang lalaban para sa Final Four sa susunod na season.

Iskor:

UP (86) – Abadiano 19, Cagulangan 12, Lopez 12, Torculas 11, Torres 7, Millora-Brown 7, Fortea 6, Felicilda 3, Alarcon 3, Bayla 2, Stevens 2, Belmonte 2, Briones 0, Ududo 0.
FEU (78) – Bautista 16, Pasaol 16, Pre 16, Konateh 11, Alforque 9, Montemayor 7, Daa 3, Ona 2, Bagunu 0.
Quarterscores: 22-16, 42-39, 67-62, 86-78