PIRATES KINUMPLETO ANG FINAL FOUR CAST SA NCAA
NAUNGUSAN ng Lyceum of the Philippines University ang College of Saint Benilde, 82-81, upang kunin ang nalalabing Final Four spot sa NCAA men's basketball tournament kahapon sa Filoil EcoOil Centre.
Standings W L
*Mapua 14 3
*Benilde 14 4
*San Beda 10 7
*LPU 10 8
EAC 9 9
Letran 8 10
Arellano 7 10
Perpetual 7 11
SSC-R 5 12
JRU 4 14
*Final Four
Mga laro ngayon:
(Cuneta Astrodome)
11 a.m. – Arellano vs Mapua
2:30 p.m. – SSC-R vs San Beda
NAUNGUSAN ng Lyceum of the Philippines University ang College of Saint Benilde, 82-81, upang kunin ang nalalabing Final Four spot sa NCAA men’s basketball tournament kahapon sa Filoil EcoOil Centre.
Perfect si JM Barba mula sa field, naipasok ang lahat ng kanyang siyam na attempts, kabilang ang limang three-pointers, upang tumapos na may 27 points para sa Pirates na nakopo ang No. 4 ranking na may 10-8 record.
“Nag extra kami kagabi, halos 10 p.m. na kami natapos,” sabi ni Barba.
Makakaharap ng LPU ang top-ranked Mapua sa Final Four.
Nalusutan din ng Pirates ang monster performance mula kay Allen Liwag, na nagposte ng double-double na 20 points at 16 rebounds para sa Blazers.
Makakasagupa ng Benilde, na tinapos ang eliminations sa second place sa 14-4, ang defending champion at No. 3 San Beda sa isa pang Final Four pairing.
Ang Blazers ay magkakasya sa second place kahit natalo ang Cardinals sa kanilang huling elimination round assignment. Makakabangga ng Mapua, tangan ang tiebreaker kontra Benilde, ang also-ran Arellano University ngayon sa Cuneta Astrodome.
“Pina-practice naman niya (Barba)‘yun,” sabi ni LPU coach Gilbert Malabanan. “Game plan is, if ma-limit si Liwag, malaki chance namin manalo.”
Nag-step up din si JM Bravo noong kinakailangan, nag-ambag ng 12 points, habang nag-ambag sina Renz Villegas, Mac Guadaña at Jonathan Daileg ng tig-11 points para sa Pirates.
Ang panalo ng LPU ay sumibak sa Emilio Aguinaldo College, na umaasang mapuwersa ang playoff para sa No. 4 via playoff.
Naglaro pa rin nang husto ang Generals sa kabila ng heartbreak upang maiposte ang 73-66 panalo kontra Jose Rizal University upang tumapos sa fifth na may 9-9 record.
Iskor:
Unang laro
LPU (82) – Barba 27, Bravo 12, Villegas 11, Guadaña 11, Daileg 11, Versoza 4, Aviles 4, Montaño 2, Cunanan 0, Panelo 0.
Benilde (81) – Liwag 20, Ancheta 18, Sanchez 11, Cometa 9, Ynot 7, Sangco 6, Morales 4, Torres 3, Jarque 2, Eusebio 1, Oli 0, Ondoa 0, Cajucom 0.
Quarterscores: 26-17, 46-42, 65-62, 82-81
Ikalawang laro
EAC (73) – Gurtiza 18, Pagsanjan 17, Bagay 11, Doromal 6, Luciano 6, Lucero 4, Oftana 3, Lumpad 3, Jacob 2, Loristo 2, Quinal 1, Angeles 0, Ochavo 0, Postanes 0.
JRU (66) – Barrera 18, Argente 15, Guiab 12, Sarmiento 5, De Jesus 4, Raymundo 4, Lozano 3, Pangilinan 2, De Leon 2, Mosqueda 1, Panapanaan 0, Ramos 0, Ferrer 0, Samontanes 0, Benitez 0.
Quarterscores: 19-19, 25-30, 54-50, 73-66