NCAA: LYCEUM DUMIKIT SA FINAL 4
LUMAPIT ang Lyceum of the Philippines University sa pagkopo ng nalalabing NCAA men's basketball Final Four berth makaraang dispatsahin ang Emilio Aguinaldo College, 74-65, kahapon sa Filoil EcoOil Centre.
Standings W L
*Benilde 13 3
*Mapua 13 3
*San Beda 10 6
LPU 9 8
EAC 8 9
Letran 8 9
Perpetual 7 11
Arellano 6 10
SSC-R 5 11
JRU 4 13
*Final Four
Mga laro ngayon:
(Filoil EcoOil Centre)
11 a.m. – Arellano vs Letran
2:30 p.m. – San Beda vs Benilde
6 p.m. – SSC-R vs Mapua
LUMAPIT ang Lyceum of the Philippines University sa pagkopo ng nalalabing NCAA men’s basketball Final Four berth makaraang dispatsahin ang Emilio Aguinaldo College, 74-65, kahapon sa Filoil EcoOil Centre.
Umangat ang Pirates sa solo fourth sa 9-8 record, habang inilagay ang Generals sa bingit ng pagkakasibak na may 8-9 kartada.
Ang LPU ay may one-game cushion kontra EAC at Letran sa karera para sa huling Final Four spot.
Ang College of Saint Benilde, Mapua at defending champion San Beda ay nakasampa na sa semifinals. Ang Blazers at Cardinals ay nakasisiguro na sa top-two finish na may twice-to-beat incentive.
Nasiyahan si coach Gilbert Malabanan sa paraan ng pagtugon ng Pirates laban sa Generals, na tila patungo sa panibagong heartbreak ng hindi pagpasok sa Final Four.
“I always reminded them that this game was very important to us. Kung important din sa EAC, mas importante din sa amin ‘to kasi our goal is going to the Final Four, and kung gusto namin pumasok sa Final Four, we have to win this game,” sabi ni Malabanan.
Nanguna si Renz Villegas para sa Pirates na may 12 points, 6 rebounds at 3 assists, habang nag-ambag sina Jonathan Daileg at Mac Guadaña ng 11 at 10 points, ayon sa pagkakasunod.
Naging matagumpay ang pagbabalik ni John Bravo para sa LPU makaraang mawalan ng malay dahil sa head collision sa kanilang laro kontra Arellano University noong Oct. 19.
Nagtala siya ng 2 points at kumalawit ng 7 rebounds, kabilang ang krusyal na offensive board sa huling bahagi ng fourth quarter na nakatulong para mapalobo ang kalamangan ng Pirates sa 67-60.
“Sa lahat ng games namin this season, ito pinaka special sakin. Hindi dahil sa nanalo kami, pero kumpleto kami naglaro ngayon. First time namin nakumpleto na naglaro na lahat ng players ko are healthy,” ani Malabanan.
Target ng LPU na makopo ang ikalawang sunod na Final Four appearance laban sa Benilde bukas ng alas-12 ng tanghali.
Iskor:
Unang laro
LPU (74) – Villegas 12, Daileg 11, Guadaña 10, Barba 9, Versoza 9, Cunanan 8, Peñafiel 5, Aviles 4, Montaño 2, Bravo 2, Moralejo 2, Panelo 0, Paulo 0, Pallingayan 0, Gordon 0.
EAC (65) – Pagsanjan 16, Gurtiza 14, Lucero 8, Bagay 7, Quinal 5, Loristo 5, Oftana 4, Luciano 4, Umpad 2, Ochavo 0, Jacob 0, Doromal 0, Bacud 0.
Quarterscores: 20-16, 30-27, 43-45, 74-65
Ikalawang laro
Perpetual (86) – Boral 22, Abis 15, Gelsano 14, Gojo Cruz 14, Pagaran 11, Montemayor 5, Nuñez 3, Pizarro 2, Manuel 0, Cauguiran 0, Thompson 0, Sevilla 0.
JRU (82) – Argente 18, Guiab 17, Pangilinan 11, Raymundo 8, Sarmiento 8, Lozano 6, Samontanes 6, Barrera 4, De Jesus 2, Panapanaan 2, Ferrer 0, Bernardo 0, De Leon 0.
Quarterscores: 22-28, 39-56, 57-68, 86-82