NCAA: CARDINALS BINUHAT NG BUZZER-BEATING 3 NI ESCAMIS VS BLAZERS
ISINALPAK ni reigning MVP Clint Escamis ang isang Hail Mary three-pointer sa buzzer upang makumpleto ng Mapua ang paghahabol mula sa 20-deficit at makopo ang 75-73 panalo kontra College of Saint Benilde at makatabla ang kanilang biktima sa ibabaw ng standings sa NCAA men's basketball tournament kahapon sa Filoil EcoOil Centre.
Standings W L
*Benilde 13 3
*Mapua 13 3
*San Beda 10 6
LPU 8 8
EAC 8 8
Letran 8 9
Arellano 6 10
Perpetual 6 11
SSC-R 5 11
JRU 4 12
*Final Four
Mga laro bukas:
(Filoil EcoOil Centre)
11 a.m. – LPU vs EAC
2:30 p.m. – JRU vs Perpetual
ISINALPAK ni reigning MVP Clint Escamis ang isang Hail Mary three-pointer sa buzzer upang makumpleto ng Mapua ang paghahabol mula sa 20-deficit at makopo ang 75-73 panalo kontra College of Saint Benilde at makatabla ang kanilang biktima sa ibabaw ng standings sa NCAA men’s basketball tournament kahapon sa Filoil EcoOil Centre.
Tumabla ang Cardinals sa Blazers sa 13-3.
“Speechless right now. Parang ako ‘yung batang nagji-gym lang dati tapos to make that shot and tapos ganun pa kalayo, may ano talaga ng Diyos ‘yun e. Sobrang speechless ako,” sabi ni Escamis, na tumapos na may 26 points, 5 assists, at 4
rebounds.
“Tumingin ako sa gameclock tapos four seconds na lang. Malayo pa ‘yung gap to do a layup tapos may defender pa. Naisipan ko na lang na to make that shot. Minsan pina-practice ko naman yun for fun shots and then it happened,”
“I’ve made clutch shots in past seasons but never a game-winner from Steph Curry range. This is the biggest shot of my career so far, but we’re still gunning for a championship,” dagdag pa niya.
Sa ikalawang laro, nanguna si Jimboy Estrada sa clutch, umiskor ng back-to-back jumpers sa mga huling segundo upang pamunuan ang Letran sa 75-71 panalo kontra defending champion San Beda upang mapanatiling buhay ang kanilang NCAA Final Four hopes sa kanilang rivalry game.
Makaraang maiganti ang kanilang season-opening loss sa Benilde, naniniwala ngayon si Escamis na malulusutan na rin sa wakas ng Mapua ang balakid.
“Doing this to the number one team speaks volumes about what we can accomplish,” ani Escamis.
Sa panalo ng Knights laban sa Red Lions ay nakasiguro na ang Blazers at Cardinals ng top two finish sa pagtatapos ng eliminations na may twice-to-beat Final Four incentive.
Umangat ang Letran sa 8-9, kalahating laro lamang sa likod ng Lyceum of the Philippines University at Emilio Aguinaldo College, kapwa may 8-8 records, sa karera para sa No. 4 spot. Maghaharap ang Pirates at Generals bukas kung saan ang magwawagi ay magkakaroon ng bentahe sa karera para sa huling Final Four slot.
“Sabi ko sa mga bata this is a do-or-die Sunday. Bigay na natin lahat, huwag na tayo magtipid, especially on the defensive end. Nagwork naman yung game plan namin so that’s why we stayed in the game,” sabi ni coach Allen Ricardo.
“Ang hirap kasi pag tatapat-tapatan mo lang yung San Beda all throughout, ang galing nila magexecute with the way coach Yuri (Escueta) guides his players and his coaching staff,” dagdag pa niya.
Nahulog ang Red Lions sa 10-6.
Iskor:
Unang laro
Mapua (75) – Escamis 26, Mangubat 12, Concepcion 11, Cuenco 8, Hubilla 5, Recto 5, Igliane 4, Bancale 4, Fermin 0, Abdulla 0.
Benilde (73) – Liwag 15, Torres 10, Cometa 10, Oli 10, Ynot 9, Sanchez 7, Ancheta 5, Eusebio 3, Cajucom 3, Sangco 1, Ondoa 0, Morales 0, Turco 0.
Quarterscores: 16-28, 39-54, 60-63, 75-73
Ikalawang laro
Letran (75) – Estrada 24, Monje 15, Cuajao 11, Montecillo 10, Javillonar 8, Jumao-As 3, Nunag 2, Santos 2, Miller 0, Dimaano 0.
San Beda (71) – Payosing 16, Puno 15, Lina 10, Andrada 8, Tagle 8, Gonzales 5, Calimag 4, Estacio 3, Songcuya 2, Royo 0, Celzo 0, Sajonia 0.
Quarterscores: 22-23, 40-38, 57-57, 75-71