Overtime

NCAA: RED LIONS LUMAPIT SA FINAL FOUR

TINAMBAKAN ng defending champion San Beda ang Emilio Aguinaldo College, 89-59, upang makasiguro ng playoff para sa isa sa nalalabing dalawang Final Four berths sa NCAA men's basketball tournament kahapon sa Filoil EcoOil Centre.

7 November 2024

Standings W L
*Benilde 12 2
*Mapua 12 3
San Beda 10 5
EAC 7 8
Letran 7 8
LPU 7 8
Arellano 6 9
Perpetual 6 10
JRU 4 11
SSC-R 4 11
*Final Four

Mga laro bukas:
(Filoil EcoOil Centre)
12 noon – JRU vs LPU
2:30 p.m. – Benilde vs Letran

TINAMBAKAN ng defending champion San Beda ang Emilio Aguinaldo College, 89-59, upang makasiguro ng playoff para sa isa sa nalalabing dalawang Final Four berths sa NCAA men’s basketball tournament kahapon sa Filoil EcoOil Centre.

Nakaganti ang Red Lions, na natalo sa Generals sa unang pagkakataon sa kasaysayan ng eskuwelahan, 68-55, sa first round na pumutol sa kanilang 29-game winning streak.

Isang panalo na lamang ang kailangan para makopo ang ika-18 sunod na Final Four appearance, ang San Beda ay umangat sa 10-5 record sa third place.

“Our motivation is to really improve our standings coming into the playoffs. So, hindi naman not really to avenge our loss. Right now is to get that Final Four seed. ‘Yon ‘yong focus namin ngayon,” sabi ni Red Lions coach Yuri Escueta.

Umiskor si Emman Tagle ng 20 points, kabilang ang limang triples, habang nagdagdag si Bismarck Lina ng 18 points para sa Red Lions.

Sa ikalawang laro, inilagay ng Mapua ang University of Perpetual Help System Dalta sa bingit ng pagkakasibak sa 71-57 panalo.

Umangat ang Cardinals sa 12-3, napanatili ang kanilang two-game cushion laban sa Red Lions sa karera para sa ikalawang twice-to-beat slot.

Patuloy na bumabandera ang College of Saint Benilde sa standings na may 12-2 kartada, kalahating laro ang angat sa Mapua.

Nahulog ang EAC sa three-way tie sa Letran at Lyceum of the Philippines University, pawang naghahabol sa huling puwesto sa Final Four, sa 7-8.

Umiskor sina King Gurtiza at Harvey Pagsanjan ng tig-10 points para sa Generals.

Nanguna si Cyrus Cuenco para sa Cardinals na may 21 points habang nag-ambag si reigning MVP Clint Escamis ng 18 points, 5 assists at 3 steals.

Samantala, nalasap ng Altas ang ika-10 kabiguan sa 16 laro.

Iskor:
Unang laro:
San Beda (89) – Tagle 20, Lina 18, Andrada 14, Royo 9, Puno 9, Songcuya 6, Tagala 5, Gonzales 3, Payosing 3, RC Calimag 2, Estacio 0, Bonzalida 0, Celzo 0, Ri. Calimag 0.
EAC (59) – Gurtiza 10, Pagsanjan 10, Doromal 6, Bacud 6, Quinal 5, Loristo 5, Oftana 5, Ednilag 4, Ochavo 2, Jacob 2, Postanes 2, Lucero 2, Luciano 0, Bagay 0, Umpad 0.
Quarterscores: 24-17, 48-29, 66-35, 89-59
Ikalawang laro oh
Mapua (71) – Cuenco 21, Escamis 18, Hubilla 15, Concepcion 6, Mangubat 5, Abdulla 3, Bancale 2, Recto 1, Igliane 0, Jabonete 0, Ryan 0, Garcia 0.
Perpetual (67) – Boral 14, Pagaran 13, Abis 9, Gojo Cruz 6, Pizzaro 6, Manuel 2, Nuñez 2, Montemayor 2, Gelsano 2, Movida 1, Sevilla 0, Thompson 0.
Quarterscores: 16-12, 29-30, 51-41, 71-67