NCAA: MAPUA, BENILDE SWAK SA FINAL FOUR
NAKOPO ng Mapua ang kanilang ikalawang sunod na Final Four berth makaraang maungusan ang Lyceum of the Philippines University, 69-68, sa NCAA men’s basketball tournament nitong Martes sa Filoil EcoOil Centre.
Standings W L
*Benilde 11 2
*Mapua 11 3
San Beda 9 5
Letran 7 7
EAC 6 7
LPU 6 8
Perpetual 6 8
Arellano 5 9
JRU 4 10
SSC-R 4 10
*Final Four
Mga laro ngayon:
(Filoil EcoOil Centre)
11 a.m. – Letran vs EAC
2:30 p.m. – Perpetual vs Benilde
NAKOPO ng Mapua ang kanilang ikalawang sunod na Final Four berth makaraang maungusan ang Lyceum of the Philippines University, 69-68, sa NCAA men’s basketball tournament nitong Martes sa Filoil EcoOil Centre.
Nahila ang kanilang unbeaten second round run sa limang laro, nasikwat ng Cardinals ang kanilang ikatlong Final Four appearance sa huling apat na seasons.
Binigyan din ng Mapua, umangat sa 11-3 overall, ang league-leading College of Saint Benilde (11-2) ng libreng tiket sa Final Four. Ang Blazers, nasa kanilang ika-4 na sunod na Final Four berth, ay angat ng kalahating laro sa Cardinals.
Sa ikalawang laro, dinispatsa ng defending champion San Beda ang Jose Rizal University, 83-70, upang mapalakas ang kanilang Final Four bid na may siyam na panalo sa 14 games.
Umiskor si rookie Lawrence Mangubat ng 16 points, kabilang ang mga krusyal na basket, isang jumper at isang three-pointer, sa huling 25 segundo.
“’Yung kay coach Randy (Alcantara) at sa mga (assistant coaches), grabe ‘yung binigay na tiwala sa akin kasi ‘yung mga veterans namin, medyo nag-off ngayon kaya kailangan naming mag-step up, yung mga sidekick nila,” pahayag ni Mangubat sa broadcaster GTV.
Nag-ambag si Chris Hubilla ng 14 points, habang nag-ambag sina Cyrus Cuenco at reigning MVP Clint Escamis ng 11 at 10 points, ayon sa pagkakasunod, para sa Cardinals.
Nagtala si James Payosing ng 18 points, 6 rebounds at 3 assists at nagposte si Jomel Puno ng double-double na 17 points at 12 rebounds para sa Red Lions.
Ang San Beda ay nanatiling dalawang laro sa likod ng Mapua sa karera para sa ikalawang twice-to-beat slot sa Final Four.
“Pay and Jom played well. Sabi ko nga yung mga ganitong ball game, eto talaga yung game na talagang they are made for against teams that pressure hard…creating lanes for them to penetrate, bagay talaga sa kanila yung game na ganito,” sabi ni Red Lions coach Yuri Escueta.
Nahulog ang LPU sa fifth place, katabla ang University of Perpetual Help System Dalta na may 6-8 kartada, isang laro sa likod ng fourth-running Letran.
Iskor:
Unang laro
Mapua (69) – Mangubat 16, Hubilla 14, Cuenco 11, Escamis 10, Concepcion 6, Igliane 4, Recto 4, Jabonete 2, Ryan 2, Abdulla 0, Bancale 0, Garcia 0.
LPU (68) – Villegas 22, Montaño 9, Cunanan 8, Aviles 7, Daileg 7, Guadaña 5, Barba 5, Peñafiel 3, Versoza 2, Caduyac 0, Moralejo 0.
Quarterscores: 18-12, 28-25, 54-40, 69-68
Ikalawang laro
San Beda (83) – Payosing 18, Puno 17, Tagle 9, RC Calimag 8, Royo 7, Estacio 5, Andrada 5, Bonzalida 5, Celzo 5, Songcuya 2, Culdora 2, Jalbuena 0.
JRU (70) – Argente 16, Guiab 13, Raymundo 9, Bernardo 8, Panapanaan 6, Barrera 4, Sarmiento 4, De Leon 4, Medina 2, Ramos 2, De Jesus 2, Mosqueda 0, Pangilinan 0, Lozano 0.
Quarterscores: 17-19, 46-34, 69-53, 83-70