Region

HS STUDES NANGUHA NG SAGING PARA MAY PAMBAYAD SA ISKUL, TINAMAAN NG KIDLAT, 3 PATAY

TATLO sa limang estudyante na tinamaan ng kidlat ang nasawi sa Bayog, Zamboanga del Sur.

/ 23 October 2024

TATLO sa limang estudyante na tinamaan ng kidlat ang nasawi sa Bayog, Zamboanga del Sur.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP)-Bayog, magpipinsan ang mga bitkima at nagtungo sa kabundukan upang kumuha ng saging para itinda.

Gagamitin umano ng mga bata ang perang kikitain sa pagtitinda ng saging na pambayad sa kanilang school intramurals.

Ayon sa Bayog Police, naisugod sa ospital ang mga biktima subalit tatlo sa mga ito ay dead on arrival.

Ang mga biktima na nasawi ay nasa edad 13 hanggang 16 habang ang patuloy na ginagamot ay may edad 15 at 20.

Inilipat ang dalawang nakaligtas sa Zamboanga del Sur Medical Center sa Pagadian City, kung saan ang isang biktima ay kinailangang isailalim sa operasyon dahil sa tinamong severe burns.