TIKTOK NG EDUCATIONAL ASSISTANCE PEKE — DSWD
NILINAW ng Department of Social Welfare and Development na walang katotohanan ang TikTok video kaugnay sa educational assistance na ilalaan nito sa lahat ng mga mag-aaral sa bansa.
Ayon sa DSWD, wala pang tiyak na detalye kung kailan magsisimula ang educational assistance sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation o AICS program ng DSWD.
Maging ang Tara, Basa Tutoring Program ng ahensiya ay gumagamit umano ng Cash-for-Work intervention na para sa mga pamilyang may mababang kita at nasa mahirap na kalagayan.
Kaugnay nito, hinikayat ng DSWD ang publiko na i-report ang page na ito (https://www.tiktok.com/@dswdnewsupdate) sa TikTok dahil ito ay nagpapakalat ng mga maling impormasyon tungkol sa programa at serbisyo ng Kagawaran pati na rin ng ibang ahensiya.
Nanawagan din ito sa netizens na maging maingat at huwag magpalinlang sa mga post tulad nito upang hindi mabiktima ng scam.