OBESITY RATE SA MGA BATANG ESTUDYANTE NAKAAALARMA — SENADOR
ITINUTURING ni Senate Committee on Health Chairman Christopher ‘Bong’ Go na alarming o nakababahala na ang obesity rate sa mga batang estudyante.
Sinabi ni Go na batay sa datos, 3.9 percent ng mga 0 to 5 years old na bata ay obese habang 4 percent sa mga school age 5 hanggang 10.
“Very alarming. So, importante dito, hindi lang po under-nutrition ang problema natin. Over-nutrition naman is also another problem,” pahayag ni Go.
“With obesity, andiyan po ang pagiging prone sa mga cardiovascular diseases. Halimbawa, so addressing mental health and obesity issues through sports. Dito po pumapasok po yung grassroots program natin,” dagdag ng senador.
Binigyang-diin ng mambabatas na kapag physically fit ang isang tao, mas malusog at mas hahaba po ang buhay.
“Kaya sabi ng mga experts, napatunayan ha. Pag tayo po yung physically fit, mas maiwasan po ang obesity, mas maiwasan po ang mental health problems.
So, iniengganyo ko po ang mga kababayan natin to be physically fit. Importante rito yung exercise po tayo,” paliwanag pa ni Go.
“Through sports, hindi lang natin magiging physically fit, kundi na-enhance rin natin ang kanilang social interactions, communications,” giit pa ng mambabatas.