3 PMA CADETS GUILTY SA DORMITORIO MURDER CASE
TATLONG kadete ng Philippine Military Academy ang guilty sa pagkamatay ni Darwin Dormitorio noong September 2019.
TATLONG kadete ng Philippine Military Academy ang guilty sa pagkamatay ni Darwin Dormitorio noong September 2019.
Batay sa hatol ng Baguio Regional Trial Court (RTC) Branch 5, sina Shalimar Imperial, Julius Tadena, at Felix Lumbag Jr. ay ‘guilty beyond reasonable doubt’ sa kasong murder at hazing.
Sinentensiyahan ang mga ito ng reclusion perpetua o hanggang 40 taong pagkakulong.
Si Dormitorio ay nasawi sa PMA Hospital noong September 18, 2019, isang araw makaraang ma- diagnose na may urinary tract infection.
Unconscious, unresponsive, at wala nang vital signs ang biktima nang dalhin sa ospital.
Nakitaan din ng mga sugat sa dibdib, tiyan, tagilirian at likod si Dormitorio.
Isinailalim siya sa cardio-pulmonary resuscitation subalit idineklarang patay.
Lumabas din sa pagsusuri na ang pagkamatay ni Dormitorio ay dahil sa “cardiopulmonary arrest probably secondary to blunt thoracoabdominal injury probably to mauling.”