Nation

TULONG SA MGA ESTUDYANTE ‘DI DAPAT MATAPOS SA AYUDA PROGRAMS — SENADOR

/ 16 August 2024

PINATITIYAK ng mga senador sa gobyerno na hindi lamang matatapos sa ayuda sa mga estudyante at graduates ang tulong, bagkus ay dapat matiyak na magkakaroon ng maayos na trabaho ang mga ito.

Sa pagdinig sa panukalang 2025 national budget, sinabi ni Budget Secretary Amenah Pangandaman na naglaan sila ng P4.4 bilyon para sa Sustainable Livelihood Program o SLP sa ilalim ng Department of Social Welfare and Development at P3.3 bilyon para sa Training for Work Scholarship Program sa ilalim ng Technical Education and Skills Development Authority.

Ipinaliwanag ng kalihim na ang SLP ay ibinibiagy sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program na nakatapos na ng pag-aaral upang magkaroon naman sila ng pangkabuhayan o trabaho.

Sa ilalim naman ng programa ng TESDA, magkakaroon ng skills training sa mga benepisyaryo na maaaring mabigyan ng oportunidad sa high employment demand.

“Sa TESDA po, meron pong programa na Training for Work Scholarship Program, which has a budget of 3.3 billion pesos po for next year. It provides skills training directed towards filling up the skills gaps and job opportunities of priority industries and sectors with high employment demand and eventually combat poverty,” pahayag ni Pangandaman.

Tinatayang nasa 152,000 enrollees ang makikinabang sa pondong ipagkakaloob sa TESDA sa susunod na taon.

Binigyang-diin naman ni Senador Sherwin Gatchalian na hindi dapat sa ayuda matapos ang tulong sa mga estudyante. Dapat aniyang matiyak na may de-kalidad silang trabaho.

“Ayuda should not be the end-all, be-all. We have to extend this to skills building, upskilling, reskilling, so that they can…can be gainfully employed or hopefully they can also put up their own businesses,” pahayag ni Gatchalian.

“Again, I know the value and the necessity of these ayuda programs in the short term, but the long term is we want them to be employed or the quality of their lives will be sustainable. Hindi lang yung pag may ayuda, they’re okay. Pag walang ayuda, they go back to where they are or where they came from,” diin pa ng mambabatas.