Nation

PMA CURRICULUM PINAREREPASO NI PBBM

/ 19 May 2024

PINAREREBYU ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Department of National Defense at Armed Forces of the Philippines ang curriculum ng Philippine Military Academy.

Paliwanag ng Punong Ehekutibo, layunin nito na malabanan ng mga kadete ang mga disinformation at infiltration sa cyberspace.

Sa kanyang talumpati, sinabi ng Pangulo na matagal nang institusyon ang PMA at mapagkakatiwalaan ang mga itinuturo nitong kaalaman at disiplina para sa nation-building subalit paglabas ng mga kadete sa nasabing paaralan ay mahaharap sa maraming hamon ng reyalidad gaya ng disinformation sa cyberspace kaya naman kanyang pinayuhan ang mga nagsitapos sa PMA Bagong Sinag Class of 2024 sa Fort Del Pilar na maging mapagbantay.

“The PMA has long been a reliable institution in nation-building. However, in this time of great complexity, the PMA needs to step up and take on the task of ensuring that the next generation of leaders in the country are ready for the emerging and future challenges,” ayon kay PBBM.

Kaya naman kanyang binigyan ng direktiba ang DND at AFP leadership na repasuhin ang PMA curriculum para matiyak na makasabay sa kaalaman ang mga kadete ng nasabing military academy sa kaalaman sa information technology.

“So, I direct the DND and AFP leadership to review the PMA curriculum to ensure that our cadets will be equipped with the 21st century skills necessary to counter conventional and asymmetric threats. In the digital battlefield, a clear vision for truth, integrity, and patriotism, are necessary tools to combat attempts at disinformation and infiltration,” anang Pangulong Marcos.

Samantala, hindi rin pinalagpas ng Pangulo ang pagkakataon na purihin ang 278 bagong graduates.