F2F CLASSES SA PUBLIC SCHOOLS SA MUNTINLUPA SUSPENDIDO SA MAYO 13-17
DAHIL sa tumitinding init dala ng El Niño phenomenon, ipinag-utos ng pamahalaang lokal ng Muntinlupa City na wala munang face-to-face classes sa mga pampublikong paaralan sa kanilang nasasakupan.
Sa direktiba mula sa tanggapan ng alkalde, magiging blended learning ang pag-aaral ng mga estudyante mula Kindergarten hanggang Grade !2.
Epektibo ang blended learning mula Mayo 13 hanggang Mayo 17 dahil sa mataas na heat index.
Sa pagtaya ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration nasa 43 degrees Celsius ang heat index sa Pasay City na ibig damay ang Muntinlupa City.
Kapag sumampa sa nasabing antas ang heat index, itinuturing itong mapanganib sa kalusugan na maaaring magdulot ng heat exhaustion kaya nagkasundo ang mga lokal na pamahalaan na magtakda ng patakaran kung magkakansela ng klase o magsasagawa ng blended learning.