Nation

GRADUATION RITES GAWIN SA INDOORS – DEPED

DAHIL sa sumisirit na heat index, pinayuhan ng Department of Education ang lahat ng mga paaralan na gawin sa indoors ang graduation rites at moving-up ceremonies.

/ 6 May 2024

DAHIL sa sumisirit na heat index, pinayuhan ng Department of Education ang lahat ng mga paaralan na gawin sa indoors ang graduation rites at moving-up ceremonies.

Itinakda ang mga commencement day o end-of-school-year rites ngayong 2023- 2024 School Year sa anumang petsa mula Mayo 29 hanggang 31 sa bisa ng DepEd Memorandum No. 023 series of 2024.

Sa naturang memorandum ay ipinapayo ng DepEd ang pagsasagawa ng nasabing mga seremonya sa indoor venues na may maayos na bentilasyon o sa covered courts para maiwasan ang exposure sa matinding init ng araw at matiyak din ang kaligtasan at ng mga mag-aaral, guro at attendees.

Hindi rin dapat itakda ang graduation o moving up ceremonies sa oras na napakainit ng temperatura at gawin lamang itong simple subalit makabuluhan.

Binigyang-diin pa ng ahensiya na hindi dapat sapilitan ang pagdalo sa mga non-academic activities tulad ng field trips, film showings, Junio-Senior Promenade at iba pang kaparehong school events at hindi dapat gawing graduation o completion requirements.