Nation

DEPED: SHS STUDENTS SA SCUs, LUCs MAAARING LUMIPAT SA PUBLIC SCHOOLS

MAAARING lumipat ang mga estudyante na apektado ng pagpapatigil sa senior high school program sa state universities and colleges at local universities and colleges sa mga pampublikong eskuwelahan, ayon sa Department of Education.

/ 4 January 2024

Ayon kay DepEd Undersecretary Michael Poa, ang mga displaced SHS learner ay puwede ring mag-enroll sa mga pribadong paaralan sa susunod na school year at mag-avail ng voucher program.

Nauna nang naglabas ng memorandum ang Commission on Higher Education na nagpapatigil sa SHS program sa SUCs at LUCs.

Sinabi ni Poa na walang nakatanggap ng SHS voucher na naapektuhan ng direktiba.

“For SHS Voucher Program recipients, wala pong affected. This is because for the current School Year (SY 2023-2024), wala na po tayong Grade 11 voucher recipients sa SUCs and LUCs. The voucher application system no longer accepted Gr 11 applicants in schools tagged as SUCs and LUCs,” ayon kay Poa.

Binigyan pa rin, aniya, ng DepEd ng voucher ang Grade 12 learners sa SUCs at LUCs para makatapos sila ng senior high school.