P10-B CASH AID NA ‘DI NAIPAMIGAY ITULONG NA LANG SA PRIVATE SCHOOL TEACHERS — LAWMAKER
INIREKOMENDA ng isang kongresista sa Department of Social Welfare and Developmneent na ilaan na lamang sa mga guro at non-teaching personnel mula sa mga pribadong paaralan na nawalan ng trabaho ang hindi pa naipamamahaging P10 bilyon para sana sa Social Amelioration Program.
Ayon kay Iligan City Rep. Frederick Siao, maraming mga guro at non-teaching personnel ang naapektuhan ng pagsasara ng ilang pribadong paaralan bunsod ng bagsak na enrollment subalit naetsa-puwera sa ayuda ng DSWD.
“Hindi naman kasi puwedeng keep the change na lang ‘yung P10-B, hindi rin ‘yun pwedeng ituring na savings ng DSWD, dapat dun i-distribute pa rin as ayuda,” pahayag ni Siao.
Matatandaang sinabi ng Department of Education na mahigit 800 pribadong paaralan ang nagsara dahil marami sa mga estudyante ang lumipat sa mga pampublikong paaralan o ang iba ay hindi nakapag-enroll makaraang mawalan ng trabaho ang kanilang mga magulang.
“Those workers are now jobless indigents, so it is now up to DSWD to help them. DSWD can enter into an agreement with the Department of Education, Commission on Higher Education, Department of Labor and Employment, Social Security System and with the Private Education Assistance Committee,” diin pa ng kongresista.
Sinabi ni Siao na kailangan lamang mag-ugnayan ang naturang mga ahensiya upang makuha ang database ng mga guro at non-teaching personnel na nawalan ng trabaho.
“This way the beneficiaries will be precisely identified and the funds are not wasted. Most of these private schools that shut down are small enterprises with previous low enrollment of students in K to 12,” dagdag pa ng kongresista.