F2F CLASSES SA ILANG PAARALAN SUSPENDIDO DAHIL SA TIGIL-PASADA
ILANG eskuwelahan at local government units (LGUs) ang nag-anunsiyo ng suspensiyon sa face-to-face classes dahil sa 3-araw na malawakang tigil-pasada na ikinasa ng transport group Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Opereytor Nationwide simula ngayong Lunes, Nobyembre 20.

Ayon sa Piston, ang transport strike ay bilang protesta sa public utility vehicle modernization program (PUVMP) ng pamahalaan.
Tatagal ang tigil-pasada hanggang sa Miyerkoles, Nob. 22.
Ang mga eskuwelahan na lilipat sa online classes ay ang University of the Philippines Diliman, Ateneo de Manila University, De La Salle University, Far Eastern University, Adamson University, Mapua Malayan Colleges Laguna, Mapua University, Pamantasan ng Lungsod ng Maynila, Polytechnic University of the Philippines, Unversity of Santo Tomas. iACADEMY, UE Manila at UE Caloocan.
Samantala, ang mga LGU ay kinabibilangan ng Province of Pampanga; City of Binan, Laguna; Santa Rosa, Laguna; Calamba, Laguna;, Polangui, Albay; Daraga, Albay; Camalig, Albay; at Libon, Albay.