DEPED-PNP SANIB-PUWERSA SA PAG-IIMBESTIGA SA PAGKAMATAY NG 2 ESTUDYANTE SA TAGUIG
NAKAHANDA ang Department of Education na makipagtulungan sa Philippine National Police sa pag-iimbestiga sa pagkamatay ng dalawang high school students sa Taguig City.
NAKAHANDA ang Department of Education na makipagtulungan sa Philippine National Police sa pag-iimbestiga sa pagkamatay ng dalawang high school students sa Taguig City.
Ayon sa lokal na pamahalaan ng Taguig, natagpuang wala nang buhay ang mga biktima sa loob ng kanilang eskwelahan sa Signal Village National High School noong Biyernes ng gabi.
Sinabi ni DepEd spokesperson Undersecretary Michael Poa noong Sabado na ang kinauukulang Schools Division Office ay nakikipag-ugnayan na sa Scene of the Crime Operation hinggil sa usapin.
“The DepEd fully commits to cooperate with the PNP Taguig regarding this matter, and is committed towards the swift and expeditious conduct of the ongoing investigation,” ayon sa ahensiya.
Nagpahayag din ng pakikiramay ang DepEd sa mga naulilang pamilya, at inalok sila ng tulong.
Nagbigay rin ng buong suporta ang lokal na pamahalaan sa mga pamilya ng mga biktima, kung saan iniutos ni Mayor Lani Cayetano ang imbestigasyon.
“Mayor Lani Cayetano has instructed authorities to conduct a thorough investigation that would shed light on the circumstances surrounding this tragic event,” ayon sa lokal na pamahalaan.