PRIVATE SCHOOL ENROLLMENT SA NEGROS OCC NANGALAHATI
BUMABA ng halos kalahati ang enrollment sa mga pribadong paaralan sa Negros Occidental ngayong akademikong taon batay sa huling tala ng Department of Education – Negros.
Sa ulat ni DepEd Negros Planning Officer Richard Martinez, tinatayang nasa 12,034 na mga mag- aaral ang naka-enroll ngayon sa mga pribadong paaralan sa buong lalawigan. Ito ay mas mababa ng 41.78% kumpara sa 28,800 enrollees noong nakaraang taon.
Sinisilip na dahilan ng dausdos na ito ay ang epekto ng Covid19 sa ekonomiya at sa buhay ng bawat pamilyang Filipino. Marami ang minabuting lumipat na lamang sa pampublikong paaralan dahil kapos sa pambayad ng matrikula.
Marami rin umanong mga magulang ang nawalan ng trabaho o bumaba ang buwanang sahod dala ng kuwarentena.
Gayundin, isang suliranin pa’y ang adjustment ng mga paaralan sa distance learning modality. Ilan sa kanila’y hirap sa pagpoprodyudvng self-learning modules at walang sapat na ahensiya para sa digital transformation.
Sa 826 na paaralan sa buong Negros Occidental, 139 ang pribado, na gaya ng DepEd ay modular learning din ang pangunahing modalidad pampagkatuto at pagpagtuturo. Mayorya’y nagsimula na ng pasukan noong Agosto habang ang ila’y nagdesisyong sumabay sa nasyonal, sa Oktubre 5.