Nation

E-WALLET SCAMMERS MALABONG MAKASUHAN — PNP-ACG

/ 18 September 2023

MAHIHIRAPAN ang mga awtoridad na makasuhan ang mga e-wallet scammer dahil sa paggamit ng mga ito ng fictitious names.

Ito ang binigyang-diin ni Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) Director Brig. Gen. Sidney Hernia sa pagdinig ng Senate Committe on banks, financial institutions and currencies kahapon.

Sa naturang pagdinig ay tinanong ni Senador Win Gatchalian ang PNP-ACG kung bakit hindi mahuli at makasuhan ang mga scammer na ginagamit ang digital wallet sa panloloko.

“Dahil fictitious ang identity, we cannot file cases against those fictitious personalities,” sagot ni Hernia kay Gatchalian.

“Kailangan ay ma-identify kung kanino ang account dahil siya ang kakasuhan,” sabi pa ni Hernia

Gayunman, sinabi ni Hernia na kinikilala nila kung kanino pumasok ang pera dahil dapat din silang kasuhan.

“We cannot file against suspects… May pangalan, may number but fictitious,” giit pa ng opisyal.

“So sayang lang kung ipa-file namin ‘yun kasi non-existent ‘yung tao,” dagdag pa niya.