Region

MAHIGIT 1K NA KLASRUM ITATAYO SA SOCCSKSARGEN

/ 6 September 2023

TINIYAK ng Department of Education na uunahin nito ang pagpapatayo ng mas maraming school buildings at classrooms para ma-accommodate ang lumalaking populasyon ng mga estudyante sa Soccsksargen.

Sa ulat ng Philippine Information Agency, sinabi ni DepEd 12 Assistant Regional Director Kathrine Lotilla na aabot sa 1,187 classrooms ang itatayo.

Makikinabang dito ang mga estudyante mula sa Cotabato, South Cotabato, Sultan Kudarat, at Sarangani, kabilang ang General Santos City.

“We already considered and analyzed the total number of enrollments versus the existing inventory, and added to that are the newly constructed classrooms at the moment,” ani Lotilla.
Batay sa Learner Information System ng ahensiya, nakapagtala ang Soccsksargen ng mahigit isang milyong enrollees para sa bagong school year.

Gayunman, may malaking kakulangan sa silid-aralan sa rehiyon noong Pebrero 2023 na aabot sa mahigit 8,000.