Nation

DEPED PRESSED TO RELEASE PVP GUIDELINES

/ 25 August 2023

THE ALLIANCE of Concerned Teachers urged the Department of Education to release the guidelines for the Proportional Vacation Pay of teachers.

The group lamented that there’s only a week left before classes start but the education department has yet to release the guidelines.

“Isang linggo na lang bago buksan ang bagong taong panuruan, wala pa ring balita sa PVP guidelines. Namihasa na yata ang DepEd sa delayed na benepisyo at kumpensasyon ng mga guro sa kabila ng tambak at walang humpay na dagdag trabaho bakasyon man o hindi. Inabot na nga ng siyam-siyam ang PBB 2021, ganito pa ang aabutin ng PVP guidelines. Ito ba ang MATATAG-alan agenda ng kagawaran?” Vladimer Quetua, the group’s chairperson, said.

“Manipestasyon ito ng hindi pagkilala at pagpapahalaga ng DepEd sa sakripisyo ng mga guro mula pag-gaod sa nakaraang school year hanggang paghahanda at paglulunsad ng National Learning Camp at Brigada Eskwela. Pinagkaitan na nga ng sapat na bakasyon, pag-iisipin pa kung masusuklian ba ang bawat araw na inilaan para makatugon sa learning recovery program at iba pang kahingian ng serbisyo sa halip na nagpapahinga at inihahanda ang sarili para sa sunod na taong-panuruan,” Quetua added.

The group requested a dialogue with DepEd to discuss issues concerning teachers’ service credits, PVP and other pressing issues.

“Matatandaan na sumulat kami sa DepEd upang upuan at pag-usapan sa isang pulong-dayalogo ang mga isyu ng guro sa service credits, PVP, at ilan pang mahahalagang usapin ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring tugon ang kagawaran,” Quetua said.

With a few days left before class opening on August 29, ACT urged DepEd to expedite release of the PVP guidelines be timely in processing and granting all benefits of teachers and education support personnel moving forward to prove that education workers are not undervalued.