BASARANGKADA NG DEPED OCC MINDORO AARANGKADA NA
PAGBABASA ang isa sa mga kasanayang dapat malinang ng bawat mamamayang Filipino kaya kahit na may krisis pangkalusugan at bawal ang face-to-face classes ay sinisikap pa rin ng Department of Education Occidental Mindoro na matutukan ang pagtuturo ng pagbabasa sa mga mag-aaral sa lalawigan.
Kaugnay nito ay ilulunsad sa Occidental Mindoro ang programang BasArangkada – ang pin-akamalaking kampanyang pang-edukasyon ng Schools Divisions Office ng San Jose na may layuning patatagin ang lahat ng gawaing tutulak sa mga batang mahiligan pa ang pagbabasa sa wikang Filipino at Ingles.
Ayon kay Occident Mindoro SDO Superintendent Dr. Roger Capa, ang BasArangkada ay serye ng mga gawain, module, at materyales na daragdag pa sa regular na learning plan ng mga asig-naturang Filipino at English hanggang wala pang face-to-face classes.
Mayroon itong instruksiyon para sa mga guro, sa mga mag-aaral, maging sa mga magulang pa-ra ang tatlo’y magkaisa tungo sa inaasam nitong hangaring mapataas ang literacy, reading, at comprehension rate ng lungsod at ng lalawigan.
Ang ganang programa ay angkla sa 3B ng DepEd Central — Hamon: Bawat Bata Bumabasa. Mayroon din itong kaugnayan sa Philippine Informal Reading Inventory, ang tumutukoy ng ka-kayahan sa pagbasa ng bawat bata.
May lakip pa itong serye ng gawaing makapagpapaunlad ng kagalingan ng mga guro sampu ng mandatong paglalagay ng mga reading corner sa bawat paaralan. At para mahikayat ang lahat na makiisa, sa pagtatapos ng akademikong taon ay pipili ang SDO ng pinakamahusay na paar-alan, distrito, at dibisyon sa implementasyon ng BasArangkada.