Nation

SK SA LAGUNA MAY CASH BONUS SA COLLEGE LEARNER NA 1.00-1.99 ANG GWA

/ 29 September 2020

MAGBIBIGAY ng cash incentives ang Sangguniang Kabataan ng Barangay Sampiruhan sa Calamba, Laguna sa mga college student na may General Weighted Average na flat 1.00 hanggang 1.99, ayon sa SK officers ng naturang barangay.

Ayon sa kanila, ito ay para sa unang semester ng academic year 2020-2021 bilang tugon at programa sa patuloy na edukasyon sa kabila ng kinakaharap na krisis ng bansa.

“Sa mga college student po na magkakamit ng 1.00-1.99 General Weighted Average sa katapusan ng 1st Semester ng academic year 2020-2021, magkakaroon po kayo ng cash honorarium mula po mismo sa inyong Sangguniang Kabataan ng Sampiruhan,” sabi ng grupo.

Ayon sa grupo, ito ay isang pagkilala  sa patuloy na pagsusumikap ng mga estudyante sa kanilang pag-aaral.

“Ito po ay munting pagkilala sa inyong dedikasyon at sipag sa pag-aaral sa kabila po ng pandemyang ating kinakaharap,” dagdag ng mga ito.

Dagdag pa ng grupo, marami pa silang plano para makatulong sa lahat ng mga mag-aaral sa kanilang barangay.