25 E-SKWELA HUBS TARGET ITAYO NG PARTYLIST GROUP
PUNTIRYA ng Ang Probinsyano party-list na magtayo ng 25 E-Skwela Hubs sa buong bansa upang makatulong sa mga estudyante at guro sa bagong sistema ng edukasyon, partikular ang blended learning bunsod ng epekto ng Covid19 pandemic.
Ayon kay Ang Probinsyano Party-list Rep. Ronnie Ong, sa pamamagitan ng E-Skwela hubs sa iba’t ibang bahagi ng bansa ay matutugunan ang kakulangan ng gadgets at internet access ng mga estudyante at guro na pangunahing problema ngayon ng Department of Education.
“Despite the two-month grace period that was allotted to fully prepare the educational system to transition from the traditional face-to-face learning to the so-called blended learning, the DepEd is still not fully equipped to carry out its mandate to provide quality education for all,” pahayag ni Ong.
Sinabi ni Ong na sa kanilang target na 25, siyam na E-Skwela Hubs na ang kanilang naitayo katuwang ang pribadong kompanya na Frontrow Philippines.
Matatagpuan ang mga ito sa mga lungsod ng Maynila, Pasig, Baguio, Danao at Tuburan sa lalawigan ng Cebu gayundin sa mga munisipalidad ng Poro-Poro, Pilar, Tudela at San Francisco sa Camotes Islands.
Ang bawat E-Skwela Hub ay may mga computer na may magandang koneksiyon ng internet at printers na magagamit sa learning modules.
Target pang magtayo ng E-Skwela Hubs sa Tondo at Sampaloc sa lungsod ng Maynila, Valenzuela City, La Union, Cagayan Valley, Ilocos Norte, Pampanga, Batangas, Bacolod, Bohol, Eastern Samar, Ormoc, General Santos City, Surigao, Zamboanga at Siargao.
Kaugnay nito, hinikayat ng mambabatas ang Department of Education na makipagtulungan sa pribadong sektor at iba pang local government units sa pagtatayo ng E-Learning centers at E-skwela Hubs, lalo na sa malalayong lugar.
“We have been hoping that the DepEd would just declare this school year as a gap year since there is really no way that it could fully carry out this so-called blended learning considering the economic condition of many Filipinos especially now that we are in the middle of the coronavirus pandemic,” sinabi pa ni Ong.