Nation

KLASE SA ILANG LUGAR SINUSPINDE DAHIL SA LINDOL

ILANG local government units ang nagsuspinde ng klase matapos ang magnitude 6.3 na lindol sa Calatagan, Batangas kahapon ng umaga.

/ 16 June 2023

ILANG local government units ang nagsuspinde ng klase matapos ang magnitude 6.3 na lindol sa Calatagan, Batangas kahapon ng umaga.

Kabilang sa mga nagsuspinde ng panghapon at panggabing klase ang Calatagan, Batangas; Laguna; Pasay City, Quezon City; Bayambang, Pangasinan; Ternate, Cavite; San Jose, Batangas at Alfonso, Cavite.

Batay sa guidelines ng Department of Education, awtomatikong kanselado ang mga klase sa mga apektadong lugar na nasa ilalim ng Intensity V o mas mataas.

Sa mga lugar kung saan ang intensity ay IV o mas mababa, ang mga lokal na punong ehekutibo ay dapat magdesisyon sa pagkansela o pagsuspinde ng mga klase.

Sa Quezon City ay 42 eskuwelahan ang nagsuspinde ng face-to-face classes at lumipat sa online classes matapos maramdaman ang Intensity 4 na lindol.

Ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology, bandang alas-10:19 ng umaga nang maramdaman ang lindol sa Calatagan, Batangas.

Intensity IV naman ang naramdaman sa Maynila, Mandaluyong; Quezon City; Valenzuela; City of Malolos, Bulacan ; Batangas City, Ibaan, Lemery, Nasugbu, at Talisay, Batangas; City of Dasmariñas, at City of Tagaytay, Cavite at Tanay, Rizal.

Intensity III naman sa Pateros; Las Piñas; Makati; Marikina; Parañaque; Pasig; Obando, Bulacan; Laurel, Batangas; City of Bacoor, at City of Imus, Cavie; City of San Pablo, at City of San Pedro, Laguna; at San Mateo, Rizal.

Naramdaman ang intensity II sa Caloocan; San Juan; Muntinlupa; San Fernando, La Union; Alaminos at Bolinao, Pangasinan; Santa Maria, Bulacan; at Bamban, Tarlac

Samantala, Intensity I sa San Jose Del Monte, Bulacan.