Letters of Youth

PABORITO KO SIYA, PABORITO NIYA ANG LAHAT

/ 28 September 2020

Sobrang nakakaexcite ang pagdating ng journey namin bilang isang Grade 10 student. Naalala ko noong first day sa school, sobrang saya. Nagkita kita na naman kaming magkakaklase. Masasabi kong malapit na talaga kami sa isat-isa dahil simula Grade 7 pa lamang kami ay kami na ang magkakasama. Dahil nasa STE (Science and Technology Engineering) section kami. Ibig sabihin, hindi kami regular class. May iba kaming subjects na wala ang ibang section. Tulad na lamang ng ICT at Research. Ngunit kaakibat nito ang isang responsibilidad na pangalagaan ang aming grades dahil ang passing samin ay ang magkaroon ng General Average na 90% lalo na sa mga major subjects namin.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Nasa flag ceremony kami noon. Hindi pa kami nakakapasok sa bago naming classroom. Nagtanong ako sa mga kaklase ko kung sino ang magiging adviser namin para sa taong iyon. Sabi nila Ma’am Roxas daw ang pangalan. Hindi ko talaga siya kilala. Lubos akong napaisip kung sino ba talaga siya. Mabait kaya? Mataray? Suplada? Magaling kaya magturo? O baka naman madami kung mag pa assignment? Sino kaya yung Mam Roxas?

Matapos ang flag ceremony sa aming school ground ay pinapasok na lahat ng estudyante sa kanya kanyang silid aralan. Sa wakas makakapasok na din at makikilala ko na din ang bago naming teacher.. Yehey!

Pumasok na nga kami noon sa aming room. Grade 10 STE-Skepticism ang bago naming section. Ang power diba? Skepticism! Mabanges!. Noong mga oras na iyon ay malaya kaming umupo kung saan namin gusto. Kung sino ang gusto naming makatabi at kung saan kami pwepwesto. Maya maya ay mayroon na ngang dumating na isang babae na nakauniporme pang teacher. Grabe! Kinabahan nako ng time na yun. Siya na kaya ang bago naming adviser? Siya na ba? Siya na ba?

 

“Goodmorning Class!”
Agad kaming nagsitayuan at nagsambit sabay sabay ng..
“Goodmorning! Were happy to see you!”
“Okay class sitdown”
Omg! Siya na nga! Isang maganda, maputi at mukang mabait na bago naming guro.
“Skeps, my name is Mary Cyrill Roxas, pero pwede niyo akong tawaging Mam Sai”
Ito ang mga binanggit nya sa amin habang isinusulat sa backboard ang pangalan niya.

 

 

Matapos noon ay nagsimula na siyang magpakilala sa amin. Grabe! Dalaga pa si Mam Sai at take note, wala din siyang boyfriend. Sa gandang ito ni mam, nakakapagtaka lang hehe. At nalaman din namin na baguhan pa nga lang siya sa school kaya hindi din siya gaano pamilyar sa amin. Nagtapos si Mam Sai sa University of the Philippines Los Baños. Wow ang talino din ni mam!. At double degree pa siya, nakwento niya sa amin na nagtapos muna siya bilang isang dietician at kalaunan ay nag teacher naman siya dahil pakiramdam niya, ito ang calling niya sa buhay. Masaya raw siya kapag may mga estudyante siyang nakikilala at natuturuan.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Si Mam Sai ang teacher namin sa Science at sa Research. Napakagaling niya magturo. Yung kahit na mahirap ang mga lesson, maiintindihan mo talaga. No pressure pati sa kanya. Hindi ka niya ipapahiya sa klase kung hindi mo man alam ang mga sagot sa recitation. Sa mga quiz at test, hindi ka rin niya hahayaang bumagsak. Magbibigay siya ng second chance para magtake ulit at para aralin muli ang mga lesson. Fair siya sa lahat. Kahit na sobrang close siya ng iba, hindi mo mararamdaman na may favorite siya. Kung alagaan niya kaming skepticism, para niya talagang kadugo. Nagbili pa siya ng mga bagong gamit sa room para mas komportable kami at mga school supplies na libre para sa lahat para hindi na kami gagastos. Sa mga math problems, tumutulong siya sa amin kahit na hindi naman niya ito subject. Mga research papers namin, paulit ulit siyang willing mag guide at mag check. Kaya mas na appreciate ko din ang halaga ng Research subject. Sisipagin ka talaga mag-aral kapag siya ang teacher.

Lahat ng knowledge niya, willing talaga niya ishare sa amin. Sobrang dami naming natututunan sa kanya. Hindi lang namin siya basta teacher sa Science at Research, maging sa buhay ay marami siyang pangaral sa amin. Habang tumatagal noon ay mas nakilala namin siya.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Teachers Month din noon, sinurprise namin siya at wala siyang kaalam alam na mauubos pala ang science time namin dahil doon. Ang saya diba!. Nagkaiyakan din habang binabasa ni mam ang bawat letter namin. Maging ako’y napaluha dahil sa success story ni Mam sa pag- abot ng mga pangarap niya sa buhay. Mahirap lang sila noon. Naranasan na din ni mam na maglakad makapasok lang sa school. Magtipid sa pagkain kasi may mga bayarin sa school. At magtiis kung wala ka ng mga bagay na gusto mo. Naiyak ako habang kinukwento niya noon lahat ng hirap at pagsubok nila sa buhay. Sabi pa ni mam, “ Hindi habang buhay maghihirap kayo,  mag-aral lang kayo ng mabuti at makakamit niyo din ang mga pangarap niyo.” Mahirap lang din kami, at gaya ni mam sai, marami akong pangarap para sa aking pamilya. Kaya ang mga kwento at aral niya na sa akin ay nagpaluha, ay akin ding naging motibasyon sa buhay.

 

 

 

 

 

 

 

 

Naging inspirasyon ko si mam at dahil doon nadagdagan ako ng dahilan para lumaban sa buhay. Akala ko noon mahirap maabot ang aking mga pangarap dahil mahirap lang kami, ngunit binago ni Mam Sai ang pananaw ko na iyon.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Kung titingnan si Mam Sai, isa lamang siyang simpleng tao. Simple lang kung manamit, simple lang ang ganda. Ngunit malaki ang kanyang puso. May malawak na pang-unawa. Totoong tao na totoo kung magmahal. Kung pwede lang, siya na lang sana ang guro namin palagi. Sana lahat ng guro tulad niya. Mag iiwan ng malaking marka sa puso ng bawat isa. ‘Mam Roxas.’ Yan ang unang narinig ko tungkol sa kanya. Pangalan na dati hindi ko kilala. Na hindi ko aakalain na ito din palang pangalan na ito, ang aking magiging idolo at inspirasyon sa buhay. Kung dati hindi ko alam kung sino ba siya, ngayon ay batid ko na maging ang, “Sino ba siya sa aking buhay.”