Nation

ANAK NG TAXI DRIVER TOPNOTCHER SA CPA LICENSURE EXAM

ANAK ng isang taxi driver sa Baguio City ang nanguna sa Certified Public Accountant Licensure Examination na ipinagkaloob ng Professional Regulation Commission noong Mayo.

/ 1 June 2023

ANAK ng isang taxi driver sa Bagiuo City ang nanguna sa Certified Public Accountant Licensure Examination na ipinagkaloob ng Professional Regulation Commission noong Mayo.

Ang 23-anyos na si Alexander Salvador Centino Bandiola Jr., nagtapos sa University of the Cordilleras, ay nakakuha ng rating na 89.50 percent.

Ikinagalak naman ng kanyang mga magulang, kaanak at kaibigan ang pagiging topnotcher ni Bandiola, na nagtapos din na Summa Cum Laude.

Sumunod kay Bandiola si Rayhanah Nuestro Decampong ng De La Salle University-Manila na may 89.33 percent.

Magkasalo sa third spot sina Arnel Alfonso Reyes Jr., Queen Ernna Fajardo Vergara at Jefferson Ivan Monge Villanueva, pawang mula sa Polytechnic University of the Philippines Sta. Mesa, na may 89 percent.

Ayon sa PRC, 2,239 mula sa 7,376 examinees ang pumasa sa pagsusulit na idinaos sa Metro Manila, Baguio, Butuan, Cagayan de Oro, Cebu, Davao, Iloilo, Koronadal, Legazpi, Lucena, Pagadian, Pampanga, Rosales, Tacloban, Tuguegarao at Zamboanga.

Ang licensure exam ay ipinagkaloob ng pitong miyembro ng Board of Accountancy, kabilang si Noe G. Quiñanola bilang chairman.

Ang University of the Philippines Diliman ang tanging top performing school na may passing rate na 93.22 percent o 55 mula sa 59 candidates ang pumasa sa pagsusulit.

Para sa full list ng topnotchers at passers, maaaring bumisita sa PRC website sa https://prc.gov.ph/article/may-2023-licensure-examination-certified-public-accountants-results-released-five-5-working