Region

KLASE SA CAGAYAN AT ISABELA SUSPENDIDO KAY ‘BETTY’

/ 29 May 2023

BAGAMA’T bumaba ang kategorya bilang Typhoon Betty, ipinag-utos ng lokal na pamahalaang panlalawigan ng Cagayan at Isabela ang suspensiyon sa lahat ng antas ng klase, maging ang pasok sa trabaho sa naturang mga lugar.

Sakop ng kautusan ang mga nasa pampubliko at pribadong paaralan at kompanya.

Layunin ng class at work suspension na makaiwas sa sakunang maaaring idulot ng masungit na panahon.

Magugunitang tinaya ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical.Services Administration na krusyal ang Linggo ng gabi at Lunes, Mayo 29, sa Bagyong Betty.

Bagaman humina ang bagyo pagpasok ng Philippine Area of Responsibility nitong Sabadi ng madaling araw, isinailalim pa rin sa Tropical Cyclone Warning Signal Number 1 ang 12 lugar.

Hanggang alas-3 ng madaling araw, batay sa PAGASA bulletin, patuloy itong kumikilos sa bilis na 20 kilometer per hour pa-kanluran hilagang kanluran.