Nation

DEPED PLANONG DAGDAGAN ANG MGA GURO KADA TAON

BAHAGI ng plano ng Department of Education na dagdagan ang mga guro kada taon, ayon kay Vice President at Education Secretary Sara Duterte-Carpio.

/ 22 March 2023

BAHAGI ng plano ng Department of Education na dagdagan ang mga guro kada taon, ayon kay Vice President at Education Secretary Sara Duterte-Carpio.

“The plan is…meron talagang i-hire every year, as well as the other track we are pursuing, kasi hindi naman natin ma-hire lahat ng pangangailangan natin, is to amplify the best teachers that we have [using technology],” sabi ni Duterte-Carpio.

Nauna nang sinabi ni DepEd spokesperson Atty. Michael Poa na kabilang sa mga hamon na kanilang kinakaharap sa kasalukuyang taon ng pag-aaral ay ang kakulangan ng mga guro, bukod pa sa kakulangan ng mga eskwelahan.

Para sa School Year 2023-2024, sinabi niya na pinaplano ng DepEd na kumuha ng 10,000 pang mga guro.

Noong 2022, nakapag-employ ang DepEd ng kabuuang 11,580 guro.

Samantala, sinabi ni Duterte-Carpio na handa ang DepEd na makipagtulungan sa iba pang local government units para mag-alok ng mga proyektong pabahay sa mga guro.

Aniya, ang tungkulin ng DepEd para sa inisyatiba ay magbigay ng listahan ng mga kuwalipikadong guro na benepisyaryo sa mga lokal na pamahalaan.