DRIVE-THRU, HOUSE-TO-HOUSE ANG MODULE DELIVERY SA GENSAN
MINAMADALI na ng Department of Education – General Santos City ang pamamahagi ng learning materials sa mahigit 154,000 estudyante ng pampublikong paaralan, mahigit isang linggo bago ang pagsisimula ng klase sa Oktubre 5.
Tapos na ang printing ng modules, ayon kay DepEd GenSan Schools Division Superintendent Romelito Flores, kaya ngayon ay abala naman sila sa pamimigay nito sa 26 barangay ng lung-sod.
Kani-kaniyang diskarte ang mga paaralan sa kung paano ito makararating sa bawat tahanan ha-bang naiiwasan ang transmisyon ng Covid19 virus.
Ayon kay Flores, istrikto ang pagpapatupad ng ‘no contact policy’. Dalawa sa mga paarala’y umuutilisa ngayon ng ‘drive-thru system’ kung saan ang mga magulang na nagmamaneho ay dadaan na lamang sa itinakdang pick-up points upang makuha ang modules nang hindi na lumalabas ng kani-kaniyang sasakyan.
Mayroon namang mga punongguro na kumuha ng badyet mula sa Maintenance and Other Op-erating Expenses para mag-empleyo ng ilang katuwang sa paghahatid ng mga module house-to-house.
Nakipagtipanan naman ang mga pampublikong paaralan sa mga barangay at purok leaders upang mas mapabilis ang pagtukoy sa tirahan ng ilang mag-aaral na hindi makontak sa pama-magitan ng social media at text message.
Bukod sa modules, uutilisahin din ng DepEd GenSan ang TV at radio waves sa paghahatid ng mga aralin. Yaong mga gurong nauna nang natapos sa pagsusulat at pag-iimprenta ng modules ang nakatalaga sa pagsasaayos nito.
Samantala, handa na umano ang mga gurong magsasagawa ng online classes at wala nang problema ang mga birtuwal na klasrum.
Tinatayang nasa P150 milyong badyet ang inilaan ng lokal na pamahalan ng General Santos pa-ra sa implementasyon ng distance learning ngayong panahon ng pandemya.