Nation

CHED: UNIVERSITIES, COLLEGES PUWEDE SA F2F, ONLINE, HYBRID

MAAARING mag-aplay ang mga kolehiyo at unibersidad na magdaos ng face-to-face, online classes, o kumbinasyon sa pamamagitan ng hybrid learning, ayon sa Commission on Higher Education.

/ 17 February 2023

MAAARING mag-aplay ang mga kolehiyo at unibersidad na magdaos ng face-to-face, online classes, o kumbinasyon sa pamamagitan ng hybrid learning, ayon sa Commission on Higher Education.

Sinabi ni CHED Chairman Prospero De Vera III na ang pag-apruba ng aplikasyon ay depende sa kapasidad ng mga paaralan na maghatid ng pagtuturo at pagkatuto sa pamamagitan ng kanilang napiling modality,

Aniya, patuloy ang pagsusuri at regular na nagre-report ang mga institusyong pang-edukasyon sa CHED.

Nabanggit ni De Vera na ang mga eskwelahang tulad ng University of the Philippines Open University at ilang degree programs ng Mapua University at De La Salle-College of Saint Benilde ay nagsasagawa ng full online classes bago pa ang pandemya.

“The mix will be assessed by CHED,” ani De Vera. “Kasi ang ayaw rin natin iyong mga schools na sabi online, pero wala namang capability.”