Region

143 KALINGA COLLEGE GRADS BINIGYAN NG TRABAHO NG DOLE

/ 25 September 2020

NASA 143 mga bagong nagsipagtapos sa kolehiyo ang binigyan ng pansamantalang trabaho ng Department of Labor and Employment sa ilalim ng Government Internship Program.

Nagsimula noong Agosto 10 ang kanilang pag-rereport sa opisina na magwawakas sa unang linggo ng Nobyembre.

Makatatanggap ang bawat isa ng minimum wage na sahod na P350 kada araw.

Ang mga intern ay itatalaga sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan sa buong lalawigan upang matuto sa larangan na nais nilang tahakin sa pagtatapos ng naturang internship program.

Samu’t saring leadership training din ang kanilang mararanasan bilang bahagi ng personality development.

Ayon kay DOLE Kalinga Head Avelina Manganib, nasa P3.5 milyon ang nakalaang badyet para sa GIP. Mas maraming kabataan pa, aniya,  ang kanilang target sa susunod na batch.