Nation

600 BATA NABIYAYAAN SA FEEDING PROGRAM SA LAS PINAS

/ 13 February 2023

NASA 600 bata ang nabiyayaan ng may sapat na nutriyon na pagkain sa ilalim ng feeding program sa Las Piñas.

Sinabi ni Las Piñas City Mayor Imelda Aguilar na isinagawa ang feeding program para sa mga bata sa Barangay BF International CAA noong nakaraang Pebrero 10.

Kabilang sa ipinakain sa mga bata ang “almondigas”, isang noodle soup na may meatballs at patola, at pandesal.

Bukod sa pagkain ay pinagkalooban din ang mga bata ng laruan na galing sa Ronald Mcdonald House Charities.

Ang feeding program ay inorganisa ng City Nutrition Office na pinamumunuan ni Dr. Julio Javier II.

Ang programa ay bahagi ng pagsisikap ng pamahalaang lungsod na tugunan ang malnourishment ng mga bata sa buong lungsod.

Ang “Kusina ng Las Piñas”, ayon kay Aguilar, ay umiikot sa buong lungsod upang mabigyan ng masusustansiyang pagkain ang mga bata.