8,914 DAYCARE PUPILS MAY NUTRIBUN SA VALENZUELA CITY
UMARANGKADA na ang pamamahagi ng nutribun sa 8,914 daycare pupils sa Valenzuela City.
Ayon kay Mayor Weslie Gatchalian, nagsimula ang pamamahagi ng healthy bread sa mga mag-aaral noong Pebrero 3 at ito ay magpapatuloy sa araw na may pasok.
Unang tumanggap ang 217 pupils mula sa Dalandanan Multi-Purpose Center sa nasabing lungsod.
Katuwang ng lungsod ang Social Welfare and Development Office sa pamamahagi ng food packs na may lamang enhanced nutribun.
Sinabi ni Gatchalian na ang pamamahagi ng nutribun ay pormal na relaunching ng feeding program sa lungsod na naglalayong maging sapat ang nutrisyon ng mga batang taga-Valenzuela City.
Ang feeding program sa mga daycare pupils ay dati nang ginagawa ng lokal na pamahalaan at natigil lamang nang pumutok ang Covid19 pandemic noong Marso 2020.