Nation

SEN. TOLENTINO MAGTUTURO SA PNPA

/ 5 February 2023

MAINIT na tinanggap ng Philippine National Police Academy si Senador Francis Tolentino bilang bagong faculty member.

Nitong Enero 31 ay pormal nang naging miyembro ng Distinguised Visiting Professor Program ng PNPA ang senador na isang senior member ng Judicial and Bar Council.

Ang pagdating ni Tolentino sa premier police state academy sa Camp Castaneda, Silang Cavite ay mainit na sinalubong ni PNP Director, Maj. General Eric E. Noble.

Si Tolentino ay proud son ng mga lalawigan ng Albay at Cavite at ituturo niya sa Fourth Class Cadets o katumbas ng freshmen at first year sa regular college, ang subject na Constitutional Law.

“Understanding constitutional law, legislation, and execution can help cadets, as future leaders of the organization, recognize their significance in defending and protecting citizens’ rights,” ayon sa PNPA leadership.

Sa unang araw na pagharap niya sa mga kadete ay sinabi niya na hahatiin niya sa tatlong bahagi ang
course syllabus upang madaling maunawaan ng mga ito.

“It will be divided into three parts spread across the semester for the cadets to fully understand what constitutional law is, how it works, why it is important, and how law enforcement, public safety, and order are affected by constitutional law,” ayon sa senador.