MARINE ENGINEERING STUDE PATAY SA HAZING SA CEBU
LABIS ang dalamhati ng pamilya ng isang Marine Engineering student na napatay sa hazing sa Cebu.
LABIS ang dalamhati ng pamilya ng isang Marine Engineering student na napatay sa hazing sa Cebu.
Kasabay nito ay sumisigaw ng hustisya ang ina at mga kaanak ng biktimang si Ronnel Baguio, 2nd year Marine Engineering student, na nakaburol aa Barangay Batangas Dos, Mariveles, Bataan.
Ayon sa salaysay ni Mrs. Leny Baguio, ina ng biktima, ang kanyang anak ay biktima ng hazing sa isang unibersidad sa Cebu City, na nakasaad sa police report na kinumpirma rin ng mga doktor na tumingin sa biktima habang nasa ospital ito, at ng doktor na nag-autopsy sa kanyang mga labi bago ito iniuwi sa Bataan.
Sinabi ng ina ng biktima na agad siyang nagtungo ng Cebu matapos mabalitaan na kritikal ang kanyang anak sa ospital subalit hindi na niya ito inabutang buhay.
Dagdag pa ni Mrs. Baguio, idinadaing ng kanyang anak na nahihirapan itong huminga nang huli niya itong makausap sa video call.
Ayon pa sa ina ng biktima, nakahanda siyang makipagtulungan sa imbestigasyon ng mga awtoridad sa pamunuan ng paaralan.
Base sa medico legal, ang biktima ay namatay sa severe acute respiratory distress syndrome secondary to indirect lung injury.