FREE WEBINAR SA TEACHERS, LEARNERS ALOK NG DICT
PARA makasabay sa makabagong panahon at teknolohiya na susi sa pagsulong ng mga aralin o curricula, nag-alok ng libreng webinar para sa mga guro at mag-aaral ang Department of Information and Communications Technology.
“To achieve better results from learners, today’s educators are increasingly utilizing cutting-edge digital tools and strategies in their teaching methods,” bahagi ng anunsiyo ng DICT.
Tema ng webinar ang ‘Gamified Education as a New Way of Teaching and Learning’.
Paniniwala ng DICT na ang gamification para sa kaalaman ay isa sa istratehiya na ginagamit ng mga guro sa buong mundo.
Sa pamamagitan ng gamified elements ay mabilis na ma-a-adopt ng mga mag-aaral ang itinuturo sa kanila.
Ang free webinar ay itinakda sa Nobyembre 10, ala-1:30 ng hapon hanggang alas-3 ng hapon.
Tampok sa webinar ang Fundamental Concept of Gamified Education, Strategies of Gamification for Learning, Gamification in Education, Gamification Tools at Takeaways in Gamification in Teaching and Learning
Tanging mga guro at estudyante at non-teaching staff ang maaaring makilahok.
Paalala ng DICT limitado ang slots.