Region

LAST MILE SCHOOL SA CARAMOAN PORMAL NANG BINUKSAN

/ 28 August 2022

PORMAL nang binuksan noong nakaraang linggo ang Lipata Elementary School na may bagong dalawang gusali para sa mga mag-aaral sa Sitio Lipata, Barangay Gogon, Caramoan, Camarines Sur.

Ayon kay Vice President at Department of Education Secretary Sara Duterte-Carpio, ang Lipata Elementary School ay nabibilang sa ‘last mile schools’ o mga paaralang kadalasan ay walang koryente, hindi standard ang classrooms at may hindi lalagpas sa apat na silid-aralan lang.

Sa kanyang mensahe, ipinaabot ng kalihim ang kanyang paghanga sa lahat ng mga guro dahil sa dedikasyon nila sa pagtuturo sa ‘last mile schools’ mabigyan lamang ng tamang kaalaman ang mga mag-aaral.

“Teaching in a last mile school requires courage and every dose of persistence in your being. I commend you for your hard work and dedication, and I hope that you will continue to persevere against all challenges to teach our children 21st-century skills and develop them to become productive and responsible citizens of the country.”

Namahagi rin ng school supplies o ‘PagbaBAGo’ kits ang kalihim sa mga mag-aaral doon.

Ang ‘PagbaBAGo’ ay programa ng Office of the Vice President na dala ang adbokasiya ng edukasyon para sa mga kabataang Pilipino.

Bukod sa mga mag-aaral na nakatanggap ng mga bag, namahagi rin ng relief packs ang bise presidente sa mga magulang kasabay ng paghimok sa kanila ng tamang pagpaplano ng pamilya