Nation

PAGBAKLAS SA MGA SUBERSIBONG LIBRO SUPORTADO NG MAMBABATAS

/ 15 August 2022

SUPORTADO ni Senador Sherwin Gatchalian ang aksiyon ng ANGna alisin sa mga eskwelahan ang mga subersibong aklat at iba pang babasahin.

Gayunman, binigyang-diin ni Gatchalian na kailangang malinaw na ang mga tatanggaling libro o iba pang babasahin ay direktang nananawagan ng pagbuwag sa gobyerno.

“I admit hindi ko nabasa ang mga libro pero kung may mga libro na nananawagan na ibuwag ang gobyerno, nananawagan na makipaglaban sa gobyerno dapat tanggalin talaga yan,” pahayag ni Gatchalian.

“Yan ay nagkakaroon ng hidwaan sa mga nagbabasa lalo na kung ito ay ikakalat natin sa mga library natin at basic education schools, magkakaroon ito ng kumbaga hidwaan sa mga eskewalahan natin, sa ating libraries o komunidad at hindi maganda ito,” giit pa ng senador.

Binigyang-diin ng senador na ang mahalaga ngayon ay suportahan ang pamahalaan para sa pagpapatupad ng mga programang naglalayong pangalagaan ang kapakanan ng mamamayan.

“Suportahan natin ang ating mga programa, kung meron mang hindi tama, pwede naman tayong magsalita, may social media, may media at sabihin natin na hindi natin nagugustuhan ang pamamalakad ng isang programa pero para ioverthrow o sabihin nating tanggalin ang ating gobyerno, magkaroon ng gulo, hindi tama yan,” diin pa ni Gatchalian

Nilinaw naman ng mambabatas na hindi rin dapat pigilan ang mamamayan sa pagpapahayag ng kanilang saloobin subalit hindi na, aniya, dapat humantong sa aksiyong pabagsakin ang gobyerno.