CYBER PORNO CRIMINALS TARGET ANG ELEMENTARY, HS LEARNERS — PNP-ACG
IBINUNYAG ng Philippine National Police -Anti-Cyber Crime Group (PNP-ACG) na karaniwang nabibiktima ng sindikato ng pornographiya ang mga mag-aaral na nasa elementarya at high school.
IBINUNYAG ng Philippine National Police -Anti-Cyber Crime Group (PNP-ACG) na karaniwang nabibiktima ng sindikato ng pornographiya ang mga mag-aaral na nasa elementarya at high school.
Ayon kay Col. Nicomedes Olaivar Jr. ng Investigation Division ng PNP-ACG, kadalasang idinudulog sa kanila ay mga online sexual abuse at marami sa mga nagpapasaklolo ay mga magulang ng kabataang kababaihan.
Mayroon din umanong mga batang lalaki na nasa grade school at high school na bini-biktima rin ng mga ‘cyber predator.’
Nangyayari ang pang-aabuso sa online kapag hinahayaan ng mga magulang ang kanilang mga anak na magbabad sa surfing na mag-isa.
Sinabi ni Olaivar na lantad sa online sexual abuse ang mga kabataan dahil normal na sa mga ito ang maglaro sa computer at cellphone lalo na’t panahon ng kuwarantina.
Kabilang sa pinakaapektado ay ang mga kabataan na naiiwan sa bahay dahil kailangang maghanapbuhay ang kanilang mga magulang.
Modus ng mga porno syndicate ang gumamit ng dummy account, kuhanin ang loob ng mga estudyante at alamin ang gustong materyal na sa umpisa ay ipadadala naman
Kapag nakuha ang tiwala ay saka hihilingin ang malaswang gawain sa pamamagitan ng video call hanggang maging sunud-sunuran na dahil iba-blacmail kapag hindi sumunod.
Ang mga sindikato ay pinagkakakitaan ang video call dahil may iba pang viewers.
Inihayag ni Olaivar ang modus upang gabayan ng mga magulang ang kanilang mga anak lalo na’t may basbas na ngayon ang paggamit ng computer at surfing dahil sa online class.
Sinabi pa ng police official na kritikal ang panahon dahil nagsasamantala ang mga cyber criminal at puntirya ang mga estudyante.