Nation

128 BABAENG PDLs NAGTAPOS SA ELEMENTARY AT JR HIGH SCHOOL

/ 8 August 2022

HINDI hadlang ang pagiging preso o Persons Deprived of Liberty para umunlad ang kaalaman.

Ito ay makaraang makatapos ang 128 babaeng PDLs sa elementary at junior high school sa Quezon City Jail Female Dormitory.

Ang pagpapaaral sa PDLs ay sa ilalim ng programang Alternative Learning System ng Department of Education.

Nanguna sa graduation rites ang Bureau of Jail Management and Penology QC Female Dorm, QC Schools Division Office, QC Gender and Development Council at ang No Woman Left Behind Program.

Sa 128 nagtapos, 32 ang sa elementarya at 96 naman sa junior high school.

Sa ilalim ng ALS, binibigyang pagkakataon na makapag-aral muli ang mga out-of-school youth at adult sa anumang paraan, oras at lugar na ayon sa kanilang pangangailangan at sitwasyon.